Saturday, September 21, 2013

Ang Maulan Pero Masayang Paglalakbay :)

        Setyember 15, 2013 ang araw kung saan ay naglakbay ang aming grupo (ako, Emmy, Mayla, Steph & Maru with Mark & Nanay) patungong Intramuros para sa aming Introdution to Arts project. Makikita dito ang tatlong lugar na aming pinuntahan at pinasukan sa palibot ng Intramuros, upang makuhanan ng pictures ang mga parte at mahahalagang bagay na nakapaloob dito at magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga iyon. At ilang lugar na napuntahan namin sa paglilibot sa Intramuros.
        Ang aming grupo ay napagplanuhan na maagang pumunta upang makaiwas sa traffic na kadalasang nararanasan lalo na papuntang Manila. Dahil sa maaga kaming umalis ay hindi namin naranasan ang bigat ng trapiko twing linggo. Simula Bancal hanggang Intramuros na walang traffic? Isang oras lang! Basta 6am aalis. :)

First Destination

The Manila Cathedral
        Dito ay hindi kami nakapasok dahil ginagawa pa din ang ilang bahagi ng simbahan para mapanatili itong nakatayo. Sa pinakaunang picture ay makikita ang lumang itsura ng Cathedral na hanggang sa kasalukuyan ay napanatili nila ang itsura nito.

Second Destination

San Agustin Church & Convent
        Dito naman sa San Agustin Church nung una hindi kami nakapasok sa mismong simbahan dahil katulad nga ng nakikita sa pangatlong picture and daming cars dahil may ikakasal, kaya sa kombento muna kami pinapasok dahil lumakas ang ulan at doon nila ginanap ang misa para sa araw ng liggo. At dahil nga linggo maraming tao kya hindi na kami nakasama sa misa dahil walang maupuan. Kaya naupo na lang kami at nagpicture picture sa harap ng museum na kasalukuyan pang sarado nung mga oras na yun. Siguro may isang oras kami (ako, mark, nanay) naghintay para makasingit ng pagpipicture sa gilid-gilid ng loob ng simbahan dahil akala namin ay isasara na ang simbahan after ng kasal.
        Here are some of the pictures I took inside ang outside the San Agustin Church.


























        Pagkatapos naming kumuha ng litrato ay sumunod na kami kila Steph na nauna nang nagpunta sa Casa Manila.

Third Destination


Casa Manila
        At ito ang huli naming pinuntahan na kinakailangan sa aming proyekto. Sa loob nito ay makikita ang isang malawak na patio na sa paligid nito ay may opisina, kainan at souvenir shop. Pero bago ka makarating sa mismong patio ay madadaanan mo ang isang hagdan patungo sa kabuuan bahay na bato. Iyon ay tahanan ng mayamang mag-asawang Pilipino kaya ang buong kabahayan ay napakalawak at maraming kagamitan. At dahil ito ay itinuturing na museo, ipinagbabawal nila ang pagkuha ng litrato sa buong kabahayan dahil karamihan sa mga gamit na nandoon ay orihinal kaya ang nakuhaan lang namin ay ang hagdaan paakyat ng kanilang tahanan at mga nasa paligid ng patio. :)



        Pagkatapos namin sa Casa Manila nagpunta kaming Fort Santiago pero dahil sa lumakas ang ulan at madaming tao kumain na lang kami at nag gala-gala habang walang ulan. Sa paglalakad namin may napuntahan kaming mga bahay kubo.. :)
Yum yum yum! :)

         Pagkatapos magpicture picture sa paligid, dahil sa nababasa na kami nagpasya n kaming umuwi :) At dito nagtatapos ang aming feeling turista :) Nag-enjoy kahit maulan, masaya at may mga bagong natutunan :)

Mayla, Yuka, Steph, Emmy, Maru
Salamat sa IntroArt project dahil dito nagkabati na ulit ang mag-nanay :D
Peace! Next time ulit!


For more pictures, visit my facebook: IntroArt Galore Album

1 comment:

  1. very good. this article is very informative and you have included the importants parts of a church. :-)

    ReplyDelete